Vice Ganda: The Most Followed Gay Man in the Entire World ? [Tagalog Version]

Unkabogable
[Click For ENGLISH VERSION of Blog here]
[Click To Read VICE GANDA's Reaction After He Read Our Blog]

Sobrang nakakatuwang ikumpara ang mga Philippine showbiz celebrities sa mga Hollywood counterparts nila. Ito ang mga ilan:

 Anne Curtis = Angelina Jolie

John Lloyd Cruz = Johnny Depp

 Kris Aquino = Oprah Winfrey

        Robin Padilla = Tom Cruise

   Vice Ganda = ?

Nandyan si Vice Ganda, at wala tayong maisip kung kanino natin sya ikukumpara?

Sino nga ba si Vice Ganda?

Para sa mga banyagang hindi nakakakilala kay Vice Ganda, karangalan ko syang ipakilala. Si Vice ay isang matagumpay na Pilipinong artista, komedyante, talk show host, singer, at dancer (1). Sa mga kalalakihan, sya ang may pinakamalaking following sa Twitter sa buong bansa, at kasalukuyang pangatlo kung  pangkalahatan ang paguusapan (2). Si Vice ang may hawak ng highest grossing Filipino film of all time, pangatlo sa lahat ng pelikulang pinalabas sa Pilipinas, kabilang ang dalawang Hollywood films (3). Kakatwa ito dahil alam nating lahat na mahilig sa “all things American” ang mga Pinoy, at (4) si vice ang unang celebrity na nakalikom ng 1,000,000 fans sa Facebook fan page nya noong 2010

Si Vice ba ang Pinakamamahal na Openly Gay Man sa Buong Mundo?

Kahit na sinong Pinoy ang tanungin mo, sasabihin nilang “si Vice ang pinakasikat na bading sa buong Pilipinas.” Meron pa bang ibang bading sa buong mundo ang mas minahal pa kay Vice Ganda? Katibayan? Hindi na kailangan kung Twitter ang pinagbabasehan. Katumbas ng kasikatan nya ang trending at dami ng bilang ng mga followers nya. Sa totoo lang, may mga openly gay men ang mas maraming following kay Vice Ganda (5). Lima sa kanila ang may advantage sa kanya dahil sa English-speaking fan base nila. (Si @Ricky_Martin halimbawa ay may advantage dahil sa English and Spanish fan base nya). Ang English language ay ginagamit sa buong mundo, samantalang ang wikang Pilipino ay hindi (6); Kung susuriin ang actual proportions, lalo nating makikita kung gaano ka impressive ang fan base ni Vice. Kung ang population ng Pilipinas ay 93.3 million, at ang followers ni Vice ay 1.4 million, lumalabas na isa sa 66 na tao ang sa Pilipinas ang tagasubaybay nya sa Twitter (7). Kung ang 3.8 million fans nya sa Facebook naman ang pagbabasehan, isa sa bawat 24 na Pinoy ay fan nya sa kanyang page. Dapat nating isipin na marami pang ibang fans si vice na walang facebook o Twitter accounts. Kung ang language-demographic na ito ang gagamitin sa social media, si Vice Ganda nga ang openly gay man na may pinakamalaking bilang ng followers sa buong mundo.

Ang Pilipinas ang pangalawa sa Asia kung saan may pinakamalaking population na gumagamit ng English. Si Vice ay aral din sa English, kaya hindi malayong isipin na pwede sya sa Hollywood (9).

Sa mga heterosexual celebrities, hindi nakapagtatakang si Anne Curtis ang may pinakamalaking fan base at si Angel Locsin naman ang pangalawa. Hindi mo aasahan na ang “unkabogable” bading natin ay magkakaroon ng ganito kalaking fan base. Walang ibang bansa ang may Vice ganda, pero may British long list twin sya, si Allan Carr (click here (8)).

Today’s Trend or History-in-the-Making?

Si Vice ang nag iisa at una sa kanyang kategorya: Openly gay and openly loved. Sa bansang tulad ng Pilipinas, ito ay kakaiba at hindi maaring isantabi. Hindi tulad sa mga Hollywood stars na yumayaman sa laki ng mga talent fees nila sa pelikula, ang mga pinoy counterparts naman nila ay yumayaman sa kanilang mga endorsements (11) (12) (13) (14). Dinidikta ng mga endorsements na ito ang pagkakaroon nila ng malinis o inosenteng imahe dahil dito nakasalalay ang kanilang kredibilidad. Sobrang ingat sila sa kanilang mga galaw at mga opinyon. Ang isang maliit na pagkakamali o iskandalo ang tatapos sa kanilang pinagkakaingatang career (15) (16) (17).

Ibahin si Vice Ganda. Walang pakundangan syang nanlalait o nang ookray ng kahit na sino. Sa kabila nito, imbes na ma-offend o magalit ang mga tao, lalo pa silang natatawa at napapamahal kay Vice. Isang social phenomenon si Vice, truly an exception. Anne Curtis and Angel Locsin are well accomplished, but Vice is accomplishing something on a level never before seen – ever. Pinatunayan nya na ang isang openly gay man ay kayang abutin ang tagumpay sa showbiz at kayang mahalin ng buong bansa.

Palaisipan ko lang kung bakit sa Pilipinas lang nangyayari ito, of all places.

Tinatamasa nga ba ni Vice Ganda ang kanyang Tagumpay?

Kampante si Vice sa pagkakamit ng pinakamalaking following sa Twitter, pero hindi ito nagpapayaman sa kanya. Alalahanin natin ang equation sa pagyaman ng mga Pinoy celebrities = Product endorsements. Madaling isipin na ang celebrity na may pinakamalaking bilang ng Twitter following ay sya din ang may pinakamaraming product endorsements. No, think again. Madali ding isipin na nasa top ten endorsers sa bansa ang lead star ng highest grossing film. Hindi pa rin. According to YES magazine, hindi kabilang si Vice Ganda sa top 20 endorsers sa bansa ng taong 2011 (18).

Kailangan nating suriin ang income disproportion dito.

Tell Vice Yourself What He Deserves

Hindi mo kailangang maging bading para ma appreciate mo si Vice. On top of making life a little easier para sa under-represented gay minority, carry ni Vice ang boses ng kabataan, ng mga outsiders, sa kahit na sinong naghahanap ng konting ngiti o tawa, at sa lahat ng naghahanap ng kakaibang panlasa sa Philippine entertainment.

Walang katumbas ang tabloid paparazzi sa Pilipinas. As the first openly gay mainstream showbiz personality in national history, Vice underwent his fair share of intrigues. Pero gaano nga ba katotoo o kaimportante ang mga sinasabi at sinusulat tungkol kay Vice? Ang mga pinakamaiinit na tsismis ay minsan nagiging national headlines. But in the grand scheme of things, history won’t remember today’s most talked about celebrity scandals. Isang daang taon mula ngayon, maaalala pa kaya lahat ang mga sikat na celebrities sa panahon natin ngayon? Yan sana ang paniwala ko, pero sa akin, nakakatiyak ako na si Vice ganda ay hindi makakalimutan.

Now the million dollar question:

Ngayong napili ng bansa si Vice Ganda, kailan kaya sya magkakaroon ng maraming product endorsements? I am an artist and I expect to die even before I get rich and famous. Umaasa ako na makukuha ni Vice ang nararapat na para sa kanya habang sya ay buhay pa.

What do you think Vice deserves? It only takes a twitter hash tag. Sabihin natin lahat kay Vice sa Myerkules ng 3 pm. Siguro mapapansin nya. There’s no harm in trying. Ibalato natin ito sa kanya bilang isang maagang regalo sa kanyang kaarawan!

Tags: , , , , , , , , , ,

Categories: Film/Cinema, Philippine Showbiz, Twitter/Viral Trends

15 Comments on “Vice Ganda: The Most Followed Gay Man in the Entire World ? [Tagalog Version]”

  1. March 14, 2012 at 05:12 #

    Reblogged this on xoxofrets and commented:
    I think he is the first openly gay Filipino superstar! :)

  2. ryan de gracia
    March 14, 2012 at 08:21 #

    as of the moment, he is loved – but time flies fast and soon enough his star will wane down and he will be forgotten.. yet, he is truly liked by most Filipinos around the world..

  3. March 16, 2012 at 15:12 #

    Alrighty Tomorrow 3PM .. THREE TWITTER WORDS : #WhatViceDeserves

    Let me know! We don’t actually have to trend for Vice to hear. Especially since his biggest twitter fan club will be retweeting what you have to say ;) Night peeps!!!

  4. March 17, 2012 at 06:39 #

    Alrighty tweetsters !!! 20 minutes in counting.. Alam mo, 2 in the morning dito sa Atlanta, Georgia.. I consider my staying up till 3.30am vice’s birthday present.. :D

    *****************#whatvicedeserves 3PM**********************

    tapos, you gotta let me snooze .. :-)

  5. anonymous
    March 17, 2012 at 07:24 #

    i think John Lloyd Cruz is best compared to Robert Downey Jr. because of his charming personality with the ladies.

  6. March 17, 2012 at 17:04 #

    @anonymous: tama! I see the Robert Downey Jr rin

    @everyone: Salamat sa LAHAT sa inyo for tweeting and retweeting away like crazy. Because of all of you, Vice appreciated my words..

    I look forward to more blogging, pero hindi agad. With upcoming Art Deadlines, I may not be sleeping much. :-) But more to come eventually!

    Ingat!

  7. March 19, 2012 at 12:02 #

    tama lahat yan!!! he is the MOST FAMOUS GAY ARTIST IN THE PHILIPPINES!! AND HE IS THE UNKABOGABLE GAY OF ALL!!! I LOVE HIM SO MUCH!! AT INIIDOLO KO SYA!!

  8. May 4, 2012 at 09:32 #

    I just read this post and I wasn’t able to do the request. Sayang.

    I am a fan not because of his crazy antics and quick-thinking skill but because I am truly inspired by his story. He did not allow adversity to get in the way of his success.

    Anyway, I was hoping to “like” this but I could not find the button.

    I guess I just have to say… LIKE!

    • May 5, 2012 at 08:39 #

      I just integrated a “like button” for you.. ;)

      • May 5, 2012 at 09:43 #

        That made me laugh! Thank you! Haha!

  9. eltorobumingo
    May 6, 2012 at 03:32 #

    Somehow, I’m not infected by the Vice Ganda virus. I’m not into comedy kasi :(

  10. 3rdalstroemeria
    May 6, 2012 at 04:25 #

    Well just an objection to xoxofrets. You forgot to include ALLAN K. He has definitely earned stardom earlier than Vice Ganda. Even Boy Abunda said: Allan K is the first gay comedian who filled up the whole Araneta Coliseum, next is Vice Ganda. Just a correction. ;)

    And also, I’m really not a big fan of Vice Ganda when it comes to humor, but I admire his story. Indeed, Sabi nga nila, hinuhugot ng mga komedyante ang kanilang pagpapatawa sa mapait nilang nakaraan. :)

  11. June 5, 2012 at 04:31 #

    Ang saya pala ng blog nato. first time ko po!

    I think for me given that Vice has this great influence, the question is how he will use this influence to drive betterment not just for himself but for his millions of fans. As simple as being a model to the youth as far as choices and words are concern? just my 2 cents.

    • June 5, 2012 at 21:37 #

      I guess time will tell.. He may have a gigantic platform. He may be easily heard.. But, Vice is walking a very thin tight rope.. His existence upsets a great many people. There is only so much he can do just yet.

      On some level, I completely forgive some showbiz personalities for being “careful.” At the end of the day, I prefer him where he is now than the alternative. :-) Thanks for all your thoughtful comments guys! :)

Trackbacks/Pingbacks

  1. Celebrity Endorsements: What YES Magazine Didn’t Tell You About Endorsements | PilipinoKuno.com - March 23, 2012

    [...] blog so far—my article on “Vice Ganda: The Most Followed Gay Man in the World” (here)—I said: Unlike Hollywood, the talent fee of film projects and TV roles just doesn’t [...]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 105 other followers

%d bloggers like this: